Dad: June na pala bukas no.
Mom: Oonga. Malapit na mag 24 ah. (June 24 ang anniversary nila)
Dad: Ilang years na ba tayong kasal?
Mom: 17.
Dad: Tagal na pala no.
Mom: Oonga e. Pwede na maghiwalay.
Me: HAHAHAHAHAHA
Ang lalaki..
- Dapat minamahal.
- Dapat iniintindi.
- Hindi dapat pinapaasa.
- Hindi pinagmumukhang tanga.
- Dapat pinahahalagahan.
Para sa mga babae out there, tao din kaming mga lalake, nasasaktan. Hindi puro sarili niyo nalang ang iniisip niyo. Dapat initindihin niyo din kaming mga lalaki na tulad niyo, kailangan din namin ng oras para sa sarili namin. Hindi naman lahat ng oras parehas tayo ng gusto kaya Please. bigyan niyo kami ng kalayaan para maging masaya. Hindi naman kami hahanap ng iba kung wala kayong pagkukulang sa amin eh. Malaki ang respeto namin sa inyo at sana ganun din kayo samen!
(Source: allenpayb)
4th year na ako.
Sa wakas isang hakbang nalang at college na ako. Isang taon nalang kaming magsasama sama ng mga kaklase ko. Lahat ng pangyayari ngayung 4th year last na.
- Last na acquaintance party.
- Last na Linggo ng Wika.
- Last na Field Trip.
- Last na JS Prom.
- Last na Christmas Party.
- Last na landian.
- Last na tawanan.
- Last na ingay sa room.
Mamimiss ko lahat ng mga kaklase ko kaya sasamantalahin ko ang isang buong taon para pasayahin sila (clown ang peg) HAHA. Nakakatuwang isipin na ilang taon na pala ang lumipas nang hindi ko namamalayan. Parang kahapon lang chinuchuturan palang ako ng kapitbahay namen pero ngayon, graduating na ng highschool. Mamimiss ko yung:
- sleepover pag bakasyon.
- mga laplapan ng mga kaklase ko HAHAHAHA.
- yung moment na nagkekwentuhan kaming lahat na magkakaklase pag vacant.
- yung pakiramdaman pag sasagot sa Math.
- yung pang aaway sa mga papansin.
- at napakarami pang iba.
Noong pagpasok ko ng 1st year akala ko Highschool ang worst part ng pag aaral pero mali ako. Highschool ang pinakamasaya at hindi ko makakalimutang part ng buhay ko. Dito ako natutong.
- Mangopya.
- magtxt ng walang tinginan.
- makipagusap nang hindi natingin sa kausap.
- makipag away at maguidance.
- sumayaw.
- gumawa ng project na sobrang gahol sa oras.
- matulog ng madaling araw para magreview.
- at magpasaya ng mga kaklase ko.
Kaya sa mga upcoming 4th year highschool out there. Goodluck sa atin. Kaya natin to. Aja!
(Source: allenpayb)
Mom: Pumili ka na ng mga notebook mo. Okay na tung mga 12 pesos.
Me: Grabe ka namang magtipid. Last year ko na nga sa highschool. Eto na lang mga 37 pesos.
Mom: Sige na. May titignan lang ako dito.
Me: K.
Maya maya sumigaw. (Andami pa namang tao)
Mom: Nak, bili kita ng pencil case?
Me: 0_o Ano ko Grade 1?
Nagsitawanan tuloy mga tao. Nakakahiya eh!
Yung mga babaeng naiintindihan ka at hindi nagseselos sa mga walang kakwenta kwentang bagay.

(Source: allenpayb)
Bestfriend.
Ngayon nalang ulit ako sinipag magkwento. Wala na kasi akong maisip. Boring kasi ang buhay ko HAHAHAHA. Walang kwenta tong kwentong to kaya wag mo nang basahin! HAHA. Tungkol to sa isa sa mga naging kaibigan ko dito sa tumblr.
Limot ko na kung anong araw yun pero tandang tanda ko na sobrang tumal ng dash until nirefresh ko yung tumblr tapos may nag TA sakin. Nakalimutan ko na kung ano yung sinabi niya. Nagtanong ata kung bakit allenpayb ung URL ko. Lintek hindi nagbabasa ng FAQ’s HAHAHA. Tapos ayun, chineck ko yung blog niya. Shet, Famous pala ang pota! HAHAHA. Tapos ayun ang daldal namin parehas, TA dito TA diyan blah blah blah blah. Hanggang sa malaman ko hindi pala namin pinafollow ang isa’t isa. Pero nagmatigas pa din ako hanggang sa finallow na niya ako. Syempre followback din ako. HAHAHA Tapos ayun. Kwentuhan dito kwentuhan dun. Kanta dito kanta dun. Tawa dito tawa dun. Basta masaya. HAHAHA until dumating yung araw na wala ng pansinan, madalang na din kaming magkatxt. Busy na kasi ako tapos siya busy nading lumandi HAHAHA. Simula non inunfollow ko na siya tyaka nagsorry din ako tapos inunfollow na din niya ako. Tapos ang kwento naming dalawa. HAHAHA Parang walang nangyare HAHA.
Hirap talagang humanap ng TUNAY na kaibigan sa internet world. Yung hindi ka iiwan anumang mangyari.
Ayun lang.
*Kung mapadpad man siya ulit sa blog ko at mabasa niya to, gusto ko lang magpasalamat sa lahat lahat ng ginawa niya para saken. Sorry na din sa lahat ng mga kabobohan ko dati. Ingat ka palage :)
Yung mga taong nasaktan ka na nga, itatanong pa kung masakit.

(Source: allenpayb)



