Humahanga ako sa mga estudyanteng pumasok ng Grade 1 nang 6 years old lang. Isa ako dun. Wala lang, kasi diba hindi pa masyadong developed yung utak namen pero nag enter na kami ng grade 1. 4 years old napasok na ako ng school (prep) tapos nung 5 years old ako, kinder. 3 years old palang ata ako nung magstart akong magpa tuitor. Lagi ko nga naiisip nung 3rd year ako pag puro mabababa ang nakukuha ko sa exam “Dapat wala ako dito. Dapat 2nd year palang ako. Edi sana sobrang talino ko!” HAHAHAHA Pero kahit naman 14 years old lang ako nung 3rd year, consistent member naman ako ng honor society. Siguro nga mga gifted child kame! HAHAHA.
