I Rock South Luzon!

kwento ko lang ‘yung nangyari sa’kin last Feb 5 or 6 ata ‘yun.

Nung recess namin, nakaramdam ako ng biglang panlalamig. as in sobrang lamig tapos nakatutok pa sakin ‘yung aircon sa room. pumunta ako sa clinic tapos pinainom ako ng gamot. edi medyo nawala wala hanggang nung hapon, pumunta samin sila irving at philip para gawin yung chapter 3 ng thesis namen tapos naramdaman ko nanaman na sumasama ulit yung pakiramdam ko hanggang sa hindi ko na natulungan yung dalawa sa paggawa kasi nakatulog na ako hahaha.

eto na!! pagkagising ko, bigla nalang akong nangangatal! pilit kog pinipigilan pero ayaw tumigil. niyayaya na ako nila nanay at tatay sa ospital pero ayokong sumama kasi takot talaga ako sa doctor hahaha. so, wala padin akong nagawa kaya pumunta na kaming ospital sakay sa jeep namin habang ngatal na ngatal padin ako. pagdating namin sa ospital, ramdam ko na bumagsak yung katawan ko sa sahig ng jeep namen pero after nun, WALA NA! As in wala akong matandaan kung ano yung sunod na nangyare. blanko ang nasa isip ko..

hanggang sa nagising ako na kinakausap ako ng nanay ko, ang sabi: “Nak, gising ka na jan! nag-aalala na kami sayo ng tatay mo!” nagulat ako kasi hindi ko alam kung nasaan ako tsaka bakit ako nandun. parang computer na nareformat yung utak ko. walang laman!! so sabi ko bakit ako nandun, ayun na nga! kinwento ni nanay yung nangyari.. bigla daw kasing nanigas ako tapos lumawit na yung dila ko tsaka tumirik pa yung mata ko. nagwawala daw ako sa loob ng ER. in short, KINUMBULSYON!!

wala ako sa wisyo nung mga oras na yun. tinatanong nila ako ng kung ano-ano pero hindi ko masagot. nauutal-utal pa ako. sabi ni nanay: “saan ba kayo nagsho-shoot nung movie project niyo?” sabi ko: “dun kila alex, dun sa may inyo” takang taka yung nanay ko. 

Lahat ng ipakain nila sakin, sinusuka ko rin. tapos para na talaga akong baliw. nung nakit ko yung kamay ko! napasigaw talaga ako! kasi ang tingin ko, hiwa-hiwalay sila. yung hinlalake parang nakalawet na! mukha akong tanga sa ER! pinagtitinginan ako! pinagpahinga ako ni nanay tapos sabi manalangin muna ako. nung pagpikit ko, shit hndi ko alam kung paano manalangin! napaiyak na talaga ako! pati ako naaawa na sa sarili ko nung mga oras na ‘yun!

nagising akong naiyak si nanay tsaka si tatay! sabi sakin, sabi daw ng doctor, kung hindi daw ako nadala sa ng maaga sa ospital, baka daw patay na ako o kaya inutil na!

Naiyak ako nung binulong sakin ni tatay na: “Jusko! mababaliw kami ng nanay mo pag namatay ka! alagaan mo naman sarili mo ha!”

akala ko uuwi na kami nung tanghali pero shit!! na-diagnose akong may dengue!! 

thank God! 3 araw lang akong naka-confine. 

After nun, feeling ko may epekto yung kumbulsyon sakin. Medyo nauutal na ako pag nabibigla tsa sobrang makakalimutin na ako! haaaayy ;/

Exam result. HAHAHAHA

Hanggang ngayon natatawa pa din talaga ako dun sa results ng exam e haha. madali lang naman ‘yung stat. Gagawa ka lang ng table tapos hahanapin mo lang ‘yung mean, median, mode, mean deviation, standard deviation ba yun? Hahah basta yun na yun. tapos yung filipino, walanjo!! Puro tungkol sa el fili. E tinutulugan ko lang yun hahaha. Nakakatamad kasi talaga promise. babasahin ko nalang siya sa summer. Yung Test II na identification kung ano-anong sinagot ko. May tinatanong kung sino ‘yung guro na blah blah blah, ang sagot ko, “Ma’am Dora” (teacher namin sa filipino) hahaha. tapos yung isa naman kung sino yung abogado, ang sagot ko, “Atty. Mac” (yung atty. sa school namin yun) Hahahaha tapos sa dulo nilagyan ko pa ng “shit” kasi nga wala talaga akong nasagot. Muntik pa akong mapagalitan buti magaling akong magpalusot hahahahaha. Yun lang ;)) Bait ko talaga hahhaha.

FOREVERPANDAK

Feeling ko talaga imbis na tumangkad ako, lalo pa akong nagiging pandak! Leche! Huhuhuhu. Naiinggit ako sa mga kaklase ko kasi dati mas matangkad ako sa kanila, ngayon mas matangkad na sila sakin! Kaya madalas akong ma-bully (Hahahahajoke).

Lovelife.

Nangyari to nung 2nd year kame. Crush ko nun si *insert her name here* pero hindi ko sinasabi kasi nahihiya ako. Medyo close kami pero hindi ganung kaclose nudaw? HAHAHA. Basta ayun na yun.

Tanghali na ata nun tapos nag away kaming dalawa. Hindi kami nagpapansinan. Tapos nung pumasok ako sa room, sinalubong niya ako at sabi “Lagi mo nalang akong inaaway, crush pa naman kita!”  Tangina para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. Ewan ko pero kinilig ako ng sobra nun. HAHAHA tapos ayun nagbati na kaming dalawa. Mas naging close kame, hindi ko din alam kung bakit. hanggang sa tinutukso na kami ng mga kaklase namen na bagay daw kame ganyan ganyan. HAHAHAHA Edi ako kilig na kilig naman HAHAHA.

Hapon nun, last subject. Filipino. Tumabi siya sakin. Nagkwentuhan kame. Blah blah blah blah blah. hanggang sa kinuha niya yung marker niya at nagsulat sa desk ko. Nakalagay “allen love *insert her name here*. kinikilig ako nun pero hindi ko pinapahalata tapos nung hindi siya nakatingin, kinuha ko yung panyo niya. ewan ko ba dun kung bakit hindi na niya hinanap ung panyo. HAHAHA

Hindi ko alam kung kame na or what kasi walang nagsasalita hanggang sa tinry kong magsend sa kaniya ng in a relationship request sa facebook HAHAHA (jejedays). Tapos maya maya inaccept niya. Naiyak ako sa kilig. HAHAHAHA Matagal tagal din halos kaming naglandian hanggang sa nalaman ko lilipat na pala siya ng school (pelikula ang dating diba? Haha) hanggang sa magkaroon na din siya ng Boyfriend. Sobrang sakit. Alam nyo un? yung ang sakit sakit na pero hindi mo masabe kasi hindi naman kayo? ;(

Ako ‘yung taong masarap kasama. ‘lam nyo yun! Hahaha Gusto ko kasi, laging masaya! Hindi talaga ako nawawalan ng mga sasabihin unless aatakihin ako ng bipolar ko! Hahaha. Mahilig akong magjoke! Malakas din akong mang trip! ‘Yun bang hindi karaniwang ginagawa ng isang taong ka edad ko! Hahahaha. 

  • Habang nagbabasa..
  • Ate: Ilang taon na ba ang UST?
  • Me: Nakalimutan ko! Pero yun ata ang pangalawa sa pinakamatandang school sa buong mundo.
  • Ate: Ah. Oo! Ano ba yung una? Boulivard ba yun?
  • Me: Harvard! Hahahahahahahahahahaha
  • Kahapon sa training
  • Me: Bakit absent si Jhoan (flyer ko)?
  • Gay Friend: Masakit ang ulo.
  • Me: Lagi nalang may sakit yun pag december e!
  • Gay Friend: SMP e!
  • Me: SMP?
  • Gay Friend: Samahan ng Maliliit ang Puke!
  • Me: Pota! Hahahahahahahahahahahaha
Masayahin akong tao.

Ako yung taong hindi mo aakalaing madaming problema. Lagi akong nakatawa.. nakangisi! 

Ewan ko ba pero simula nung elementary pa ako, mahilig na akong magjoke. Masayahin ako! Ayoko kasi ng tahimik. Gusto ko laging nasigaw at natawa Hahaha kaya ilan sa mga kaklase ko akala nila baliw ako! Kasi pag tahimik sa room, bigla nalang akong sisigaw ng malakas! Ganun kalakas ang trip ko Hahaha. Kaya madaming teacher ang galit sa’kin, lalo na si Ma’am Mabilangan (Chem. and Physics teacher) binigyan ako nun ng 78% sa behavior! Hahaha.

Isang beses nga, umabsent ako nung August ata kasi may sakit ako pero kinabukasan pumasok na din ako, Pag pasok ko ng room, sabi sakin ng kaklase ko. “Bakit ka absent kahapon?, ang tahimik namin dito buong araw! Sobrang boring walang nagjojoke! Buti pumasok ka na, may mabwibwiset na ulit sa mga teacher!” Hahahaha Tawa ako ng tawa. 

Makwento din ako. Halos lahat ata ng kaklase ko alam ang buhay ko simula nung bata pa ako e Hahaha. Open ako sa lahat ng bagay! Tsaka mahilig talaga akong makipagkwentuhan lalo na pag ang topic ay sex ‘Pag nga walang ginagawa sa room, pupunta ako sa unahan, tapos sasabihin ko, “Hoy alam nyo kanina blah blah blah!” Ganun tapos maglalapitan sila sakin, tatawa na ng tatawa sa mga pinagsasasabi at pinagkekwento ko Hahaha. 

Nakakatuwa kasi na a-appreciate nila yung mga ginagawa ko. Gusto ko kasing maramdaman ng mga tao sa paligid ko kung ano ako! Ayoko naman kasing magpakaplastic maging maganda lang yung image ko sa kanila. Basta pag malakas ang trip, Ako ang unang papasok sa isip ng mga kaklase ko! Hahaha

Buhay Cheerleader.

Aminin nating mga lalaki, sobrang awkward maging cheerleader. Bakit? Nanjan yung tatanungin ka, “Anong sport mo?” at ikaw, dahil proud ka, ang isasagot mo “Cheerleading, Bro!” At dyan papasok yung sobrang sarcastic na tingin nung nagtanong na halatang ang nasa isip lang “Bakla ampota!”. 

Hindi dahil isang cheerleader ang isang lalaki, Bakla na ito. Mas astig pa nga ang mga lalaking cheerleader kaysa sa mga basketball player e. Imagine, Basketball Athletes lift a very light ball pero ang Cheerleaders.. They lift their co-athletes. Yes, A 40+ kg. girl, Kailangan nyong pagtulungan ng ka base mong buhatin! At hindi lang basta buhat, nanjan ang transitions, toss et al. 

May mga pagkakataong magkakamali ang flyer, ang resulta, Magwawobble si flyer, at dahil mahal ito ng mga base niya, kahit masipa at masampal sa mukha, sasalo pa din si base at hindi nalang iindahin yung sakit at sasabihin ni base “Practice-sin ulit natin, baka magawa mo na!” Pangkaraniwan na yan sa sport namin- Cheerleading.

Napasok din dyan yung habang nagpeperform, biglang magkakaroon ng disgrasya, yung bigla nalang dudugo yung mukha kasi napahampas sa isa pang mukha, pero anong ginawa, tinapos parin ang routine para sa team. Para sa mga pagod at pawis sa bawat training. E ang baseball player? Nadaplisan lang sa noo habang nasa laban, dinala na sa ospital! 

Dapat sigurong isipin ng mga pangkaraniwang mga tao na hindi lang pompoms, make-up at ngiti ang bumubuo sa pagkatao ng isang cheerleader, Nandyan ang pawis, pagod, dugo, kaba at pressure tuwing tutungtong sa MATS. 

Para sa mga cheerleader jan tulad ko, Always be Proud! 

Pag tinanong ka ulit kung anong sport mo, sumagot ka, “Cheerleader!” at pag nginisian ka at sinabing “Pangbakla yun ah!”, tirahan mo ng isang standing back tuck at humatak ka ng isang babaeng cheerleader sabay toss to hands biglang cupie! At siya naman ang tanungin mo, “Sinong bakla?”

Isa sa mga pinagsisihan kong ginawa sa buong buhay ko ay noong punitin ko ang UPCAT Form ko. Nainis kasi ako ‘nun sa nanay ko. Hindi ako pinyagang umalis ng bahay para gumala. So, ayun! Pinunit ko yung UPCAT Form ko tapos hindi na ako kumuha ng panibago. Akala ko nung una ok lang kasi madami pa naman jang ibang university pero deputa! Sising-sisi ako ngayon ;(